Life threatening ang mga negative vibes na sumisiksik sa utak ko nitong mga nakaraang araw, minsan nakaka-irita na talaga, yung tipong kumukulo ang dugo ko kasi parang virus na bigla na lang nagpo- pop-up sa screen ng computer. Pilit ko itong nilalabanan at winawaglit sa aking mala-birhen na utak, kung pwede ko lang inumin yung zonrox na may bleach para tuluyan na itong lumisan sa aking tahimik at noise free na utak. Sana pwede buksan gaya ng computer at i-program, actually pwede naman talaga i-program ang ating mga utak, masyado nga lang itong madugo kung tutuusin, mahirap at minsan hindi talaga maiwasan na babalik-balikan mo ang past. sabi sa libro na nabasa ko, sikapin daw na mag-isip ng mga magagandang bagay na gustong mangyari sa buhay mo, at ito ay hindi imposibleng magkakatotoo at tunay na mangyayari. Subukan ko nga mag-isip na madami akong pera hehehe,…yayaman ako for sure. Sa pagbisita ko sa mga blog na sumisilaw sa aking kaisipan, sadya naman talagang kakaiba ang pinoy, napaka-talino at world class talaga, madami kang matututunan kung tungkol sa buhay buhay lang naman ang usapin, at sa dami ng nabibisita ko, (at hindi pa natatapos na nababasa) sa totoo lang, hindi ko na mawari kung ilang gigabyte ang pwede ma-accommodate ng ating utak, to the point na mag remind syo na (memory full) kaya ito ang nangyayari sa akin, ayaw ko naman kasing uminom ng zonrox para mawala ang mga negative na anik anik (hehehe) ewan ko halos lahat ng blog na nadadaanan ko nababasa ko yan) kaya ang nangyayari po ay napapa-blog hop na rin ako at nagblo-blog reading,..nawala nga yung mga negative anik-anik pero nag-uumapaw naman ang USB ng aking utak…memory full ika nga
Saturday, August 27
Subscribe to:
Posts (Atom)