Minsan ang buhay matalinhaga, may mga bagay bagay na mahirap ipaliwanag at intindihin, malalaman lang natin ang kahulugan at saysay pag tayo mismo ang nakaranas nito. Kung may mga istorya na dapat ibahagi, siguro isa itong kwento ni MM_em-em at ni AV_eyy-vee
Si AV_ (eyy-vee) ay isang matalik na kaibigan at si MM_em-em ang kanyang ka textmate. Anim na taon na sila mag katxt, pero di pa sila nagkikita kahit minsan, O di ba? Kaya nyo ba yun?, Anim na taon na din silang away bati, at magkasintahan...Kung iisipin natin, mapapatanong tayo pwede nga ba yun? Oo meron yun, eto na nga at kine- kwento ko eh, nagpa-alam pa ako kay AV_eyy-vee bago ko i-share ito dito sa aking nuk ang kanilang kwento, hindi naman sya nag-dalawang isip na sumang-ayon, sabi nya baka ito daw maging daan para makita na nya si MM_em-em. Madalas sinasabi sa kin ni AV_ eyy-vee napaka tanga daw nya para umasa ng ganito katagal at mag hope na magkikita sila, nangako daw si MM_ em-em na susunduin nya si AV_ eyy-vee sa takdang panahon...Natatakot si eyy-vee kasi baka isa palang masamang tao si MM_ em-em pero naman sa anim na taon na yun hindi pa naman nalagay sa alanganin ang buhay ni AV_eyy-vee.Walang nakaka-alam sa pamilya ni AV_eyy-vee tungkol sa kalbaryo nya ,maliban sa akin na pinagsasabihan nya. Madaming beses na din ipinagdarasal ni eyy-vee ang suliranin nyang ito, at sinasabi sa akin na pakiramdam nya palagi andyan si Lord na gumagawa ng way para magkabati sila sa tuwing nag aaway...sa pag-usad ng blog na ito samahan nyo ako sa kwento ni MM_ em-em at ni AV_eyy-vee.
No comments:
Post a Comment