Monday, July 18

MI 4 Ghost Protocol

Hayskul pa lang ako, patay na patay na ako sa tom cruise na ito. Maalala ko pa usong uso nung estudyante kami na pagkatapos ng exams namin, (prelims,midterm,semi-finals at finals) buhay na buhay yung mga video stores na malapit sa school namin paano ba naman kasi buong barkada gumagala at mag hire ng betamax at bala para manuod ng mga bagong pelikula (oo nung kapanahunan ko betamax pa kami nakakapanuod at sikat ka na nun pag ganun ang tambay at hang out ng barkada) Nung mga panahon na yun, nahumaling ako sa idol ko na ito at madalas maiinis ang barkada kasi ipagpipilitan ko na mag hire ng mga bala at pelikula nya hahaha... Naalala ko pa nga ang ibang barkada na masama ang loob at walang magawa kundi manuod na lamang (panu kasi divided equally ang bayad sa video store) sino ba naman ang matutuwang manuod ng isang veteran at baldado pa,(born on the 4th of july) syempre katatapos lang ng exam at least man lang comedy o love story ang trip ng barkada, halos lahat ng barkada boto naman sa napiling bala hehehe, dahil ako ang pasimuno nasunod na panuorin namin ang pelikula ni idol, Kaya tuwing manunuod ako ng pelikula ng aking idol sumasagi sa isipan ko ang mga experiences ko nung hayskul dahil wala naman talaga ako pinapalampas na pelikula nya, hangang sa akoy kolehiyo at nagka-work at tumanda hehehe paborito ko pa rin sya. hindi naman ako nabigo sa paghanga sa kanya dahil obvious naman ang galing nya sa mga blockbuster movies na mga pinagbibidahan nya . Ang hindi ko lang mawari sa kagwapuhan nya eh kung bakit di nya naipagkalat ang lahi nila ni NICOLE KIDMAN at kay KATIE HOLMES sya nagka-YURI....hehehe ibang usapin na yan...pero heto ang bago nyang pelikula na nasaliksik ko sa youtube, alam ko maraming nag-aabang nito...





An hour ago, a bomb blew up the Kremlin.
The president has initiated a ghost protocol
The entire IMF has been disavowed
Now I've been ordered to take you to Washington when they will hang in the Kremlin bombing and you and your team unless you were to escape after assaulting Brent and me.
But if anyone of your team is caught,
They will be branded terrorists, out to incite global nuclear war
TOM/ETHAN: So what happens now?
Your mission, should you choose to accept it...
GIRL: So what's the play?
TOM/ETHAN: Who are you really? Brent?
BRENT: We all have our secrets. . . ain't we? Ethan?
Okay now. . . remember blue is glue
TOM/ETHAN: And when its red?
DEAD
BRENT: You're not gonna make it!
TOM/ETHAN: You're not helping!

music by: EMINEM feat. PINK : WON'T BACK DOWN
hits the big screen on: December 2011

No comments:

Post a Comment

 
home | nook's gem | naivete | facebook | me | gallery

Copyright © 2009 pintadang pinay |Designed by Templatemo |Converted to blogger by BloggerThemes.Net